Chapter 26 Her POV Pagkatapos ng naging pag uusap namin ni Glenn agad akong lumabas ng music room at nagpunta sa parking lot kung saan naabutan ko ang mga kaibigan ko pwera na lang kay Paul “Anong nangyari?” tanong nila sakin saka tumingin kay Glenn na asa likod ko “Umuwi na tayo” sabi ko sa kanila at kinuha kay Anthony ang gamit ko “Thea ako na mag hahatid sayo” sabi nya sakin “Give me time to think Glenn” sabi ko sa kanya at nilapitan si ate Lynn “Kayo na ni Pol ang maghatid sakin please” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin kaya naman sumakay ako sa kotse ni Pol at naupo sa back seat. “Tara na” sabi ko sa kanila ng makasakay sila kaya tumango sakin si Pol at nag drive nya sya paalis. “Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon” sabi ni Pol kaya siniko sya ni ate Lynn at tiningnan n