Punto de Bista ni Belle
Nakatingin ako kay Reed habang may babaeng nakatayo sa tabi niya. Hindi ko namalayan na sobra na pala ang pagdurog ko sa karne sa plato ko.
"Belle, ayos ka lang? Belle?"
Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Sir Skyler na nakatitig sa akin nang may pag-aalala.
"Ha? Opo, Sir?"
"Sabi ko, ayos ka lang ba? Parang ang lungkot ng mukha mo nang tumingin ka kanina."
"Ah, ayos lang po ako. Talagang okay lang ako."
"Akala ko hindi. Baka pagod ka lang. Ihahatid na kita pauwi."
Mabilis akong umiling, kinuha ang baso ng beer, at agad itong ininom. Hindi ito ang inisip kong mangyayari!
Hindi ko siya gusto! Hindi ko siya gusto at kailanman hindi ko siya magugustuhan. Pangako ko yan sa sarili ko. Alam ko na ang ganitong ugali niya mula pa noon. Isa siyang tunay na Cassanova, at hinding-hindi na iyon magbabago.
"Dahan-dahan lang sa pag-inom."
"Sir, anong klase ng babae ang hinahanap mo? Yung babaeng pinapangarap mo?"
Nagulat siya sa tanong ko at umiwas ng tingin habang namumula ang mukha. Mas lasing pa yata siya kaysa sa akin.
"Sa babae? Gusto ko ng mabait, marunong magbigay-galang, mahal ako, at mamahalin ko rin siya."
Diretso niyang tinitigan ang mga mata ko habang sinasabi ito.
"Maswerte ang babaeng iyon dahil mamahalin mo siya."
"Ako ang maswerte dahil nakita ko na ang babaeng para sa akin. Siya ang nasa deskripsyon ko—likas na mabait at magalang. Sana mahalin din niya ako. Gagawin ko ang lahat para lang mahalin niya ako."
Napakaswerte ng babaeng iyon. Sana ako na lang iyon.
"May iba ka bang lalaki sa puso mo?"
Ngumiti ako at tumango. At siya iyon. Mula pa noong magkasama kami sa kolehiyo, gusto ko na siya. Siya ang tipo ng lalaking boyfriend material sa mata ng mga babae.
"Meron, pero hindi ko na lang muna iisipin iyon dahil kailangan ko munang magtrabaho para sa kinabukasan ko."
Tinitigan niya ang mga mata ko. "Bakit kailangan pang magtrabaho kung kaya kong ibigay ang gusto mo—"
Napahinto siya sa sinabi niya, at pati ako nagulat sa narinig ko.
Sandali lang, ano daw?
"Nevermind, lasing lang siguro ako," sabi niya habang pilit ngumiti.
Ngumiti rin ako at tumango. Siguro nga lasing lang siya at hindi niya sinasadya ang sinabi niya.
"By the way, magbanyo muna ako, Sir."
"Gusto mo ba samahan kita?"
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong umiling.
"Hindi na po, kaya ko naman. Hindi pa naman po ako lasing."
"Sige, mauna ka na."
Naglakad ako at alam kong dadaan ako sa mesa ni Reed. Inayos ko ang salamin ko habang naglalakad, at nakita ko na tumigil siya sa ginagawa niya kasama ang babae at tumingin sa akin.
Ano ba! Bakit nakatingin siya sa akin? Kung umatras ako, baka maghinala siya.
Kaya't lakad lang, Belle. Huwag magpaapekto! Hanggang sa makalampas ako at pumasok sa banyo. Pagkapasok ko, isinara ko agad ang pinto at huminga nang malalim habang hawak ang dibdib ko.
Tumitibok nang mabilis ang puso ko at hindi ito humuhupa. Paano kung mas malapit kami sa isa’t isa? Baka tumalon palabas ang puso ko dahil sa mga mata niya.
Tumayo ako sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili ko.
Ngayon ko lang naranasan ito. Kay Sir Skyler, sakto lang ang excitement ko, pero kapag kay Reed, parang nasa super-duper maximum level. Parang mawawala na ako sa sarili ko.
Biglang bumalik sa isip ko ang nangyari kanina. Kinuha ko ang makeup kit ko at dinagdagan ang wrinkles sa pisngi ko, pati na rin ang pangingitim ng balat ko.
Ginawa kong nerdy ang itsura ko simula pa noong una dahil ayoko nang makaakit ng lalaki. Pagod na ako sa kanilang mga puso. Lalo na noong elementarya at high school, ang daming nangligaw at pina-trauma ako ng mga secret admirers at stalkers kaya lumipat ako ng eskuwelahan na walang nakakakilala sa akin.
Itinali ko ang buhok ko, huminga nang malalim, at tiningnan ulit ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng banyo.
Paglabas ko, nagulat ako dahil nabunggo ko ang isang tao, at muntik na akong matumba!
Pumikit ako dahil alam kong bukas ang pinto ng banyo at malapit na ang likod ko sa sahig nang maramdaman kong may humawak sa bewang ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Nakita ko ang mukha ng lalaki, at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang humawak sa akin.
Leo?
Nakita kong nagulat din siya. Dahan-dahan niya akong itinayo.
"Pasensya na, hindi ko nakita ang daan. Pero kilala mo ba ako?"
"Ha? Ah, oo. Yung nagka-aksidente kanina kung saan nabangga ang taxi na sinasakyan ko."
"Ah, tama. Ikaw pala iyon. Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan kanina? Pasensya na talaga."
Mabilis akong umiling at ngumiti.
"Ayos lang po ako. Salamat kasi hindi ka tulad ng ibang tao na madaling mag-init ang ulo."
Mahina siyang tumawa at umiling.
"Walang problema. Hindi ako ganoon. Siguro lahat ng Beta ay ganoon, 'di ba?"
Beta siya? Tama nga, nagpapanggap din akong Beta para hindi malaman ng iba na isa akong Omega.
"Beta rin ako."
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Beta ka rin pala?"
"Oo, simula bata pa ako, Beta na ako."
"Ah, ganun ba? Parehas pala tayo."
Patuloy siyang nakangiti habang sinasabi iyon. Buti na lang at naniwala siya. Umiinom ako ng gamot para hindi maramdaman ng iba na isa akong Omega.
"Anong nangyayari dyan, Leo? Bakit ang tagal mo sa banyo?"
Nanlamig ako nang marinig ko ang boses na iniiwasan ko. Tumalikod si Leo at nakita kong nakatitig sa akin si Reed.
Kailangan kong kumalma dahil ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Ang hirap!
"Kailangan ko nang umalis."
"Okay, nice to meet you ulit," sabi ni Leo habang nakangiti. Tumango ako at ngumiti bago naglakad palayo.
Sana hindi niya ako pansinin! Huwag, please! Pero hindi pa man ako nakakalayo, bigla siyang nagsalita.
"Teka lang, huminto ka muna."
Pucha!
---