Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at puro puti ang nakita ko... Hindi ko ito kwarto! Naalarma at kinabahan ako! Hindi kaya ay... Tiningnan kong maigi ang paligid at nakumpirma kong hindi ako nananaginip lang! Wala ako sa kwarto ko o sa bahay namin! Nasa lugar ako kung saan kinulong ako ng akala ko at tinuring kong kaibigan! "Chance!!!" Galit na galit ako at humagulgol! Pa'no niya nagawa sa akin 'to gayong pinagkatiwalaan ko siya! Itinuring na mabuting kaibigan at mabait na tao! "Nagtiwala ako sayo! Nagtiwala ako!" Umiiyak na patuloy ko. I was both frustrated and pained because of this betrayal! Umupo ako sa gilid ng kama at patuloy na nagngingitngit ang kalooban sa sobrang sama ng loob. I couldn't believe magagawa niya sa akin ang ganito! Nakakapanlumo! Iyak lang ako nang iyak.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books