11

1023 Words
PAGKABABA ko palang ng kotse ko, hindi ko alam kung ba't pinandigan bigla ako ng mga balahibo ko. Kararating ko lang sa bar ko at nag-park ako sa parking space. Binabagtas ko ngayon ang kadiliman at kalawakan ng parking space habang ramdam ko talaga ang pananayo ng mga balahibo ko. Parang kinakabahan ako na kung ano. Ang creepy! Pakiramdam ko may nakasunod sa akin o may nagmamasid na kung sino sa akin mula sa kung saan. Weird. Nang lingunin ko ang likuran ko, wala namang tao. Dinalian ko nalang sa paglalakad kasi pakiramdam ko, may nakasunod talaga sa akin, parang may humahabol na kapag naabutan ako hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin! Halos takbuhin ko na ang mga nadadaanan kong sasakyan para lang makarating kaagad sa may tapat ng bar ko at kung saan marami nang tao. Isolated at walang tao dito sa kalawakan ng parking space eh, lahat mukhang busy sa pagsasaya sa loob ng bar. "Oh my gosh! Ahh!" halos mapatalon ako nang tumili sa gulat at takot nang may bigla nalang sumulpot sa harap ko. "Natasya! What's wrong?" kaagad namang nag-aalalang dalo ng kaibigan ko. Halos malaglag ang puso ko sa gulat at relief nang makitang si Chance lang pala! "Chance naman! Tinakot mo 'ko!" sabi ko habang sapo-sapo ang dibdib ko. "What? Bakit? Okay ka lang?" he gently held my arms to scan me. "Bigla-bigla ka nalang kasing sumusulpot!" "Tamang-tama kasi nang bumaba ka ng kotse mo, kaka-park ko lang din kaya sinalubong kita. Hindi ko naman alam na magugulat pala kita." Hindi na 'ko nagsalita. Pinakakalma ko na lamang ang sarili ko. Nagiging magulatin na 'ko, siguro kailangan ko na ring iwas-iwasan ang pagkakape tuwing umaga. "I'm sorry, Natasya." he apologized. Umiling ako't hinila na lamang siya papasok ng bar. "Tara nalang sa loob." Nagpatianod naman siya. "Tara!" Nakarating kami sa loob at kaagad na nasipyat ng mga mata ko ang taong kilalang-kilala ko mula sa may 'di kalayuang table... may kasamang mukhang kilalang-kilala ko rin. They even seem enjoying each other's company. "Si Eden 'yan 'diba?" ani Chance sabay turo sa kaibigan ko. Tumango ako. "Magkasama sila ni Hades? Magkakilala pala silang dalawa?" patuloy niyang tanong. 'Yan ang hindi ko alam pero kung titingnan maigi, parang magkakilala na nga ang dalawa dahil natatawanan pa sa kung anu-anong pinag-uusapan habang nag-iinuman. Of course, I remember Hades. Ito lang naman 'yong may pagka-playboy na kasama ni Chance dito noon no'ng una kaming nagkakilala ng huli. Nagkatinginan kami ni Chance at para kaming mga detective na nakuha kaagad ang punto ng parehong iniisip ng bawat isa. "Let's go!" pagyayaya ko sa kanya at dumiretso na sa table nina Eden at Hades. "Eden? Hades!" natutuwa na nanunukso kong bungad sa dalawa. "Nati, you're here!" liberated namang sagot ng kaibigan ko at bahagyang kinawayan lang ako. I knew it. Mukhang tinatamaan na ito ng alak. "Hey, Chance!" bati din niya sa kasama ko. Ngumiti at pasimpleng nag-salute si Chance para bumati sa dalawa. "By the way, guys, this is Hades. Newly found friend of mine." pakilala din niya sa kasalukuyang kasama. Walang kaalam-alam si Eden na kaibigan din ni Chance si Hades at nagkakilala na rin kami minsan ng huli. "Hades is my friend and Natasya knows him already." magaang sinabi ni Chance. "Oh?" I smiled and I nodded. Pinauna ako ni Chance na makaupo sa couch sa tapat ng dalawa tapos naupo na rin siya sa tabi ko. "You're being together again! Feeling ko magkaka-forever ka na talaga this time, girl! Yung totoong-totoo na na walang halong joke at pagpapaasa." tukso ni Eden sa akin na obviously pinariringgan ang wala ditong si Lieven. Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga ang babaeng ito! Magkaiba naman sina Lieven at Chance eh. Oo, parehong importante sa akin ang dalawang lalaki pero syempre mas lamang pa rin si Lieven... parating lamang si Lieven kasi bukod sa nauna ko itong nakilala at ilang taon ko na ring nakakasama ay siya ring taong gusto ko... Si Chance naman, Chance is a very good friend of mine kahit kakikilala palang namin. Napangisi ako nang biglang maalala na dapat ako itong nanunukso sa kanya... kay Hades. "Stop it, Eden. Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko niyan? Why are you with Hades and how did you met, huh?" "Well, I was dancing awhile ago when he came near me then we danced together until we exchanged names and yeah, we became friends!" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ng boys. "He looks interested of you. Type mo 'no?" "The truth is..." nilapit din niya ang mukha sa akin para bumulong at sakyan ang trip ko. "I know that he's a f**k boy. Sinasakyan ko lang ang trip niya! He wants to play with fire then therefore, I'll be that fire!" confident pa niyang sinabi. "Naks! Hahaha!" tinawanan ko na nga lang. Sinulyapan namin ang dalawang boys at nakitang mukhang busy rin ang mga ito sa kung anong pinagkakakwentuhan kaya hindi napansin ang mapilyang bulungan namin ni Eden. "How 'bout you? Are you starting to fall with your fafa Chance? Unti-unti mo na bang napagtatanto na mayroon pang mas hihigit at mas worthy sa time and love mo kaysa sa do'n sa Lieven mong ilang taon mong hinintay pero hanggang ngayon waley pa din pake sayo... Ha, girl? May change of heart's desire na ba para magkapag-asa si fafa Chance?" malokang balik-tukso niya sa akin. "Gagi! Wala, Eden! Besides, hindi naman walang pake si Lieven sa akin eh." pagtatanggol ko pa din kay Lieven. Kahit pa lahat sila halos tutol... kay Lieven pa din ako at iyon pa din ang pipiliin ko. "Hindi ha? Tingnan mo nalang kung masabi mo pa 'yan pagnabasa mo na ito." she gave me her phone. Kinuha ko ito at nakita ang bagong post ni Farah. Selfie lang naman 'yon ng babae. "What's wrong? 'Di naman naka-tag at naka-mention si Lieven ah!" sabi ko. "See? Hindi mo pa nga siguro nakita ito." Binuksan niya ang comment's section at ini-scroll up. Tinigil niya iyon sa pinakaunang comment ni Lieven sa litrato. @lieven: Ganda ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD