KINUHA ni Angelica kay Dave ang detalye tugkol sa location ni Bradly. Hindi niya kabisado ang pasikot-sikot sa Subic Bay pero mahahanap niya ang location ng suspect sa pamamagitan ng tracking device. Natapos na siyang kumain pero hindi pa siya umalis ng cottage. Nakabalik na si Wallace mula banyo. “Honey, wala ka bang balak pumasok ng bahay?” naiinip na tanong ni Wallace. “Wait lang. May importanteng update sa akin ang angent ko,” aniya. Nakatutok pa rin siya sa cellphone. “What the--!” Napasugod sa kaniya si Wallace. “Ano’ng silbi ng leave mo kung pati rito ay nagtatrabaho ka? Bigyan mo naman ng katahimikan ang isip mo!” palatak nito. “Importante ‘to. Iyong suspect kasi na nagpanggap na bilanggo, na-trace na ang location niya. At narito pala siya sa Subic Bay.” “What?” Napalapit la