PANAY ang pagmumura ni Wallace habang nagmamaneho. Pauwi na sila ng bahay mula Subic at noon lang natapos ang ginawa niyang vitamins. Wala siyang maisip na dahilan para uminit na naman ang ulo ng asawa niya. Hindi nito sinasagot ang tawag niya. At sabi ni Alejandro, galit si Angel nang umuwi. “Nagpaalam ka ba bago umalis?” tanong ni Vladimir. Katabi niya ito sa kotse. “Oo naman. Maayos pa ang usapan namin at pumayag siyang gawin ang paperwork ko sa opisina,” aniya. “Or maybe she finds out something.” “Sh*t!” Napamura na naman siya nang maalala na nakabukas lahat ng social media account niya sa laptop. Iniwan niya iyon sa opisina. “Baka nabuksan niya ang social media account ko. Ang dami pa namang chat ng mga babae roon,” aniya. “Angel won’t get angry with those girls if he doesn’t ca