KAHIT tuluyan nang gumaling ang lagnat ni Angelica ay ayaw pa rin siyang pakilusin ni Wallace sa bahay. Isang araw na lang ang pahinga niya at babalik na siya sa trabaho. Daig pa niya ang reyna kung ituring ng kaniyang asawa. Dumating na rin ang kontrabidang si Vladimir at maraming dalang halaman na buhay na. Nasa green house siya nang magtungo ito roon. “Saan galing ang mga ‘yan?” tanong niya. “Sa bahay ni Annie,” hinahapong tugon nito. Malaking kahon ang pinaglagyan nito ng mga halaman, kasama pa ang paso. “Bakit dinala mo ang mga ‘yan? Baka mamaya hanapin ni Annie.” “Bwisit kasi ‘yong manliligaw niya, ang daming alam. Lason daw ang mga halamang ito kaya pinatapon sa akin,” maktol nito. Curious siya sa pinaggagawa ni Vladimir. “You mean, you stays in Annie’s house?” “No, kapitbaha

