NAKAUBOS ng dalawang baso ng tubig si Angelica. Tuyong-tuyo kasi ang lalamunan niya at ang init ng kaniyang pakiramdam. Nilagyan pa niya ng ice cubes ang tubig kahit malamig na. Nang mahimasmasan ay kumalma rin ang kaniyang sistema. Nang makita si Wallace ay hindi na siya gaanong naiirita sa mukha nito, even to his voice. “Let’s eat, honey! May dalang prutas si Vladimir para sa ‘yo,” nakangiting sabi nito. Nilapitan siya nito at inakbayan. Sumunod na lamang siya rito at humihilab na rin ang kaniyang sikmura. Inasikaso kaagad ni Wallace ang pagkain niya nang makaupo siya sa silya. Sumabay na rin sa kanila sina Vladimir at Alejandro. Wala naman siyang isyu sa mga kaibigan ni Wallace. Siya lang itong hindi na normal ang biglang pagbabago ng mood niya. Pagkatapos ng hapunan ay nagboluntar

