PANAKA-NAKANG nahihilo pa rin si Angelica at isang beses pang nagsuka pagkatapos ng almusal. Pero pagsapit ng tanghali ay bumuti na ang kaniyang pakiramdam. Dahil makulit ang kaniyang asawa, after lunch na siyang nag-report sa istasyon nila. Isang crime scene lang ang pinuntahan niya at nag-focus siya sa pagsinop ng mga ebidensiya na kailangan nila sa ibang kaso. May isang businessman siyang kailangang interogahin bago mag-off. And she was surprised with Adamson's appearance as the lawyer of a businessman. Involved ang businessman sa pagkamatay ng isa sa empleyado nitong babae, at iginigiit nito na wala itong kinalaman at aksidente umano ang pagkamatay ng empleyado sa loob ng kumpanya nito. Nasa interrogation room sila at si Adamson ang dumidepensa sa kliyente nito. Uminit ang ulo niya

