WALLACE cursed when he can’t reach out her wife. He dialed Angelica’s number but still no answer. Nagbukas na siya ng laptop at tiningnan ang surviellance application. Nang makita sa current record ang sitwasyon ni Angelica sa kotse, napatakbo siya palabas ng bahay. Mabuti naroon si Vladimir sa garahe at nakiusap siya na samahan siyang sunduin si Angelica. Na-trace naman niya ang location ng kaniyang asawa kaya diretso na sila roon. “Napano ba ang asawa mo?” tanong ni Vladimir nang lulan na sila ng kotse. “She’s trapped in the car. Mabuti nakahinto na siya sa gilid ng kalsada. I saw her sleeping,” aniya. “What? She slept inside the car? Baka nakapatay ang makina.” “I’m not sure! Kaya nga bilisan natin.” Si Vldimir ang nagmaneho kaya todo kapit na siya. Daig pa niya ang nakasakay sa a

