“Sh*t! Muling napamura si Wallace. Nilagyan din niya ng hidden camera sa loob ng kotse ni Angelica kaya nakikita niya ang ginagawa nito roon, at kung sino ang nakakasama nito. Ang masaklap nito, ibinigay ni Angelica ang blask card sa ex-boyfriend nito. Uminit ang bunbunan niya nang malamang napapadalas ang pakikipagkita ng kaniyang asawa sa ex nito. “What?” manghang untag ni Alejandro. “Bakit naman niya binigay sa ex niya ang card?” usisa nito. “Lawyer ang ex ni Angel, at sumusuporta siya sa anti-syndicate group na pag-aari ng pamilya ng kabigan niya. Maaring humingi ng tulong si Angel sa ex niya para magkaroon ng access sa black card,” aniya. “How can we get the black card, then? We’re running out of time, Wals. I know you can’t afford to see your wife facing her worst death,” ani Al