Sinimulan na ng mga mabubuting mangkukulam ang orasyong magdadala sa mga werewolves sa kaharian ni Lucifer hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila roon ngunit kayang sumugal ni Crater makasama lang muli kabiyak. Alam ng Alpha na inaantay siya ni Everdeen. Alam niyang nanalig iti sa kanya. Alam niyang hindi ito mawawalan ng pag-asa. "Let's pray and hope that she is safe Crate," bulong ni Selene sa lalaki. Tumango nalang ang Alpha kahit na nahihirapan ang loob nito nang ilang araw na. She stared at her body infront of them. Pabilog na nakaupo ang sampung mga wolves na sasama upang kunin ang dungan ng kanyang kabiyak. Sa likod nila ay ang napakaraming puting mangkukulam na nagsasagawa ng orasyon. Ang malalakas na mangkukulam ang gumagawa ng orasyon samantalang ang iba ay nasa lik

