"F*ck! F*ck!" Mura ng bampirang si Adam habang nakikita ang mga kasamahan nila rito sa lupa na lumalaban na ng p*****n. Pinoprotektahan ng mga werewolf ang mga mangkukulam na nagpapatatag ng barrier kung nasaan sila naroon. Kung saan nila iniwan ang kanilang mga katawan ay doon din sila dinala ng mgakapangyarihan ng mga mangkukulam. Agad na bumangon si Patience sa pagkakahiga at tumulong agad sa mga taong-lobo na unti-unti ng nanghihina dahil wala ang kanilang mga pinuno. Hindi kailangan pang utusan ang iba dahil maging sila ay yon na rin ang ginawa. Tiim-bagang tinitigan ni Crater si Lucifer na nakangisi lang sa kanya. Ito ang nais ng demonyo, ayaw niya ng kapayapaan sa mundong ginawa ng kanyang ama bilang ganti dito. "Mamaya mo na siya labanan, Alpha Crater! ibalik mo na muna ang d

