Just like what be both agreed to do, we didn’t waste much time to go out of the Mall and start giving out the invitation cards. Ni hindi ko nga alam kung saan at kanino kami magsisimula. “Sino sino pala ang mga bibigyan mo?” tanong ko habang nagmamaneho siya. “Just some close friends, baby, what about you?” marahan akong tumango sa sagot niya. “Mga malapit lang din na kaibigan, atsaka iyong mga close namin na kapitbahay sa dati naming tinutuluyan ni Tita,” nakangiting sagot ko naman. “Let’s just start there, then,” tumango ulit ako sa sinabi niya at hindi na sumagot pa. Nagpatuloy naman siya sa pagmamaneho. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe pero paminsan minsan ay magkakasulyapan kami at ngingiti. Halata ang excitement sa aming dalawa. Alam ko paulit ulit na, pero sino ba