CHANDRIA KATE BENEDICTO's POV I pushed him once, he didn't come back. Ilang araw na ba? No, scratch that. Ilang linggo na? Napangiti ako ng mapait matapos magbuga ng hininga. Kahit sobrang busy ko nagagawa kong i-check ang phone ko kung may paramdam siya pero wala. Oh, he did. He did text me a week ago. At anong laman ng text niya? I missed you! Ha! Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ang sinasabi niya. Iyon ba ang nami-miss? Walang paramdam? Ten days. It's been ten fvcking days since we last saw each other. Wala akong balita sa kanya, kung nasaan na siya, anong ginagawa niya, kung paano na kami, kung wala na ba talaga... Shit na iyan! Kating-kati na ako na magtanong sa mga kaibigan niya at sa tatay niya kung kumusta siya. Busy pa ako sa lagay na iyan ha! Hinagis ko ang hawak na

