Sa isang restaurant gaganapin ang meeting. It's a high-class restaurant and need pa ng booking before makapasok kaya tingin ko ay ayos lang. Simpleng bodycon dress lang ang suot ko at nagladlad ng buhok. My hair is in its natural color- brunette, and medyo curly sa baba. Hanggang bewang iyon. With the car the brand has gave me, I drove to the restaurant. "Chandria Kate," sambit ko sa babaeng nagche-check ng schedule sa may pinto. Dalawang beses bumalik ang tingin niya sa akin. "Omg," she whispered. "Pasok po, Ma'am..." Tinawag niya ang kasama niya at pina-assist ako. "Here is your seat, Ma'am..." Nandoon na si Miss Diane, yung staff na I think magiging personal assistant ko coming from the company. She smiled and stood up to greet me. "Diane Medina, nice meeting you Miss Benedicto."