SUMAPIT ang alas singko ng hapon—nasa resting pavilion pa rin si Sylvienne, bantay pa rin siya ng mga lalaki, hindi na isa kundi anim na puro mga armado at lahat nakatutok ang tingin sa kaniya na parang hindi na kumukurap pa sa higpit ng pagbabantay. Halatang takot na makatakas siya. Kaya naman kasya tumakas na alam niyang hindi rin siya makakatakas, mas pinili na lang ni Sylvienne na manatili sa resting pavilion at matulog kahit nakaupo. Nang sumapit ang alas syete ay saka tumawag si Ricci sa mga tauhan at sinabi nitong puwede na siyang bumalik ng mansyon. Pero pagbalik niya ng mansyon ay wala roon si Ricci dahil umalis ito kasama ng bumisita na ama ilang mga tauhan. Mag-isang nag-dinner si Sylvienne sa malawak na dining room at nang matapos ay nagpalakad-lakad siya sa loob ng mansyon