NARATING ni Sylvienne ang casino ng kaniyang ama, pero hindi pa rin niya alam kung paano makapasok, dahil alam niyang haharangan siya ulit ng dalawang security guard na mahigpit na nakabantay sa entrance. Balak niya sanang patumbahin na lang, pero sa isipin na daddy niya ang pumili sa mga ito bilang security guard, malamang ay hindi basta-basta ang mga ito. Paniguradong magaling makipaglaban at baka matalo lang siya. Kaya nag-isip na lang siya ng ibang paraan. Hanggang sa naisip niyang banggain na lang ng kotse ang entrance, para kapag tumawag ang security sa kaniyang ama ay makikilala na siya at makakauwi na rin. Kaya naman agad niyang ginawa ang kaniyang plano. Napatakbo na lang sa isang tabi ang dalawang security guard nang malakas niyang ibangga ang kotse sa entrance. Nabasag ang