CHAPTER 2. PILIPINAS

1441 Words
P i l i p i n a s Taong 2020 "Do you have any idea that these fairytale stories are based from true to life events which existed for more than four thousand years ago?" bungad ng kasama ni Cythe sa loob ng coffee shop, isang umaga. Kumikinang pa ang mga mata ni Ed na hindi nalalayo sa labing walong taong gulang. Nakasuot ito ng uniporme ng sikat na esk'welahan na isang kanto lang ang layo sa coffee shop. Alas-otso pa lang ng umaga, pero halata na sa nagsasalita ang pagiging hyper nito sa pag-aaral ng fairytales. Iyon lang ang una niyang napansin sa iilang topics nilang dalawa sa mismong lugar na ito. Paulit-ulit naman kasi. "Tigilan mo na 'yan, Ed. Those are merely fictional stories. Mas magandang pagtuunan natin ang reyalidad kaysa sa kathang-isip na mga kuwento." Kinuha ni Cythe ang kaniyang kape at dahan-dahang inilapat ang mainit na tasa sa kaniyang mga labi. Hindi talaga makukumpleto ang kaniyang umaga kapag walang kapeng nalalasahan. "Maganda kasi 'tong topics," pangungulit pa ni Ed sa kaniya na ayaw na sana niyang pansinin. "Have you heard some news lately?" tanong niya para magbago ang paksa. Nakakatawa mang isipin para kay Cythe na naririnig niya ang kanilang natatagong kaysaysan, ngunit madalas naman ay nagkukulang sa impormasyon o sinasadyang pasobrahan ang mga ito nang sa gayun ay mananatiling kathang-isip ang lahat sa mundo ng mga mortal." Lumalagap na ang Covid-19 sa ibang parte ng mundo. Anytime maari na itong maging pandemic. Iyon dapat ang mas una nating isipin. Baka 'pag kumalat 'yan sa Pilipinas, hindi na tayo makakapag-usap pa ng ganito at magkakaroon ng quarantine." "Tsk! Napaka-kill joy mo talaga, Ate Cythe!" Nakasimangot ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. "I heard it, you know. Crazy, right? Magkakaroon ng pandemia. Parang may hindi magandang mangyayari sa near future. Sure ako. Pero wala pa ring tatalo sa Black Death. Umabot ng halos 200 milyon ang namatay." Napataas ang kaliwang kilay ni Cythe sa nadinig. Lumunok ba ang binatang 'to ng Wikipedia? Bakit ang dami naman nitong nalalaman? Tahimik si Cythe na nililingon ang heavy traffic sa labas ng highway pa-Alabang. Mausok. Maingay. Matao. At napabuntong-hininga na lang siya sa stress ng isang umaga. Hindi pa rin sanay si Cythe sa mundo ng mga mortal. At isa pa, ito na ang kaniyang nakagisnang daily routine. Matulog kunwari sa gabi. Lalabas at iinom ng kape. Magbabad sa internet. At hinihintay si Eros na magpakita. Ang huling sinabi nito ay sa Pilipinas niya matatagpuan ang bagong katauhan ng prinsipe. "According sa mga researcher at unibersidad sa Durham at Lisbon, ginamit nila ang kaparehong technique na ginagawa normally ng mga biologist upang matukoy nila ang kakaibang kasaysayan. Guess what? Nalaman nilang posibleng mag-exist ang storyang Beauty and the Beast, four thousand years ago. Isn't it cool?" mahabang dagdag pa nito. Napahapo si Cythe sa kaniyang mukha.Bumalik na naman sila sa unang topic. "Ang g**o mo kausap. Hindi kita maintindihan. Hindi ka pa ba papasok sa unibersidad?"pagtataboy niya. "Ang Beauty and the Beast ay isang fiction story lang 'yan na ginawa ni Gabrielle-Suzanna Barbot de Villenueve noong 1740. Ang layo mo na ha! Four thousand years ago ka pang nalalaman." Napailing-iling si Cythe at muling humigop ng kape bago pa man ito lalamig. Tatlong araw na rin niyang nakakasabay magkape su Ed. At tatlong araw na rin siyang kinukulit. Tatlong araw na ring sumasakit ang kaniyang ulo sa estudyanteng ito. "Mamaya pa 10am ang pasok ko, Ate." "E, bakit ang aga mo ngayon?" "Siyempre, para masabayan kang magkape." Kininditan pa siya nito sabay kuha ng menu sa mesa. Sa sobrang kadaldalan ni Ed, nakalimutan na nitong mag-order. Pambihira! Nagkibit-balikat na lang siyang nakatingin sa mga mata nitong kasing kulay ng langit - asul na asul - na nasasalamin ang pagiging interesado nito sa nasabing paksa. Palibhasa, anak ng isang dayuhan, lutang sa pisikal nitong anyo ang pagiging iba nito sa balat ng normal na Pilipino, kagaya niya. Kinakailangan pa niyang paiitimin ang natural niyang buhok na kulay pula. Naglagay din siya ng contact lenses para maitago rin ang kulay-berde niyang mga mata. No'ng unang araw nang pagkikita nila, nakalimutan ni Cythe ang mga contact lenses niya, at malay ba niyang iyon na ang simula ng lahat. Kumagat muna si Cythe ng cake na kanina pa nakalagay sa mesa, bago niya tiningnang muli ang kaniyang kaharap. "Hindi ba pangit ang cake sa umaga?" kunot-noong tanong nito sa kaniya. "Masyado pang maaga para sa cake, Ate." Ngumuya-nguya muna si Cythe at nilunok ito bago nagsalitang muli. "Kaya ba hindi ko kinakain ang nilibre kong cake para sa 'yo?" Napansin ni Cythe na sinulyapan ni Ed ang cheese cake sa harapan nito nang nakangiti. "I don't eat sweets in the morning, Ate. Ang weird pala ng taste mo sa umaga." "Kumain ka na nga lang, Ed. Mag-order ka na lang ng iba," matamlay niyang alok, dahil 30 minutes na silang nakaupo ro'n pero hindi pa rin siya nito tinatantanan. At isa pa, hindi niya alam kung paano ito patitigilin sa pagsasalita ng isang paksa na sa umpisa pa lang ay hindi na niya nagugustuhan. Nagpaalam siya muna nitong pumunta sa Lady's room. Gusto niyang makatakas kay Ed. Huminga. Mabuti na lang at walang tao ang banyo. Nakatitig si Cythe sa malapad na salamin. Tinitingnan niya ang repleksiyon niya roon. Simpleng T-shirt at jeans lang ang kaniyang suot. Malalim ang kaniyang pagbuntong-hininga. Matamlay din ang mga mata niyang matagal nang nawawalan ng kinang. Isang limampung taon na rin pala ang nakalipas simula nang tumakas siya sa Yuteria, pero mas magandang sabihing pinatakas siya ng kaniyang ama. Ilang taon na rin siyang walang balita sa mundong 'yon o pati na rin sa mundong kaniyang kinagisnan - ang Olympus - ang lugar sa katulad niyang anak ng isang diyos. Ayaw na sana niyang maalala muna ang nakaraan. Iba na ang pagtrato ng kaniyang lahi sa isang katulad niyang may malaking kasalanan. At sa tuwing iniisip niyang wala nang pagpapahalaga ang mga ito sa kaniya, hindi maiwasan ng puso niyang huwag masaktan. Inayos ni Cythe ang magulo niyang buhok. Naghugas ng kamay. At bumalik sa kaniyang kinauupuan. "Do you have any ideas why fairy godmother exists? Why someone put a spell and turned that handsome prince into a beast? Do you have any idea about those characters?" Kakaupo pa lang niya ay binanatan kaagad siya ni Ed. "Hindi," pagsisinungaling niya. Pinipilit niyang ituon na lang ang kaniyang pokus kay Ed, ngunit hindi kaya. Hindi na niya kayang itago ang kaniyang nararamdaman. "Walang fairygod mother, Ed. Don't be blinded by those silly fictions. Binata ka na. Hindi ka si Peter Pan. It's time for you to grow up. I need to go, Ed. See you around." Ibinaba ni Cythe ang hawak-hawak niyang kape at inayos ang kaniyang maliit na shoulder bag. "Are you not a version of Peter Pan?" Napagitla si Cythe sa narinig. Nagtama ang kanilang mga mata. May kung ano'ng sinasabi ito sa kaniya na ayaw niyang malaman pa. "Excuse me?" "Sabihin mo nga sa 'kin, Ate Cythe. Why do you choose living with humans?" Parang binuhusan si Cythe ng malamig na tubig lalo na at naglaho ang happy-go-lucky face ni Ed. Pakiramdam niya ay nagbago itong bigla. "Malala ka na," kalmado niyang turan kahit ang puso niya ay pabilis na nang pabilis ang pagtibok. "Mauuna na ako sa 'yong aalis dito." "Hindi mo ba alam? Someone painted your face, four thousand years ago. Ang hirap mong hanapin, alam mo ba 'yon?" Doon na nanlaki ang mga mata ni Cythe. Hindi na ito patungkol sa fictional stories. Patungkol na ito sa kaniyang sarili. Napatayo si Cythe sa kaniyang kinauupuan. Napaatras. Nakadama siya ng panganib sa lalaking 'to. Una niyang tiningnan ang pintuan papalabas ng coffee shop. Hindi na niya kailangan pang magtanong. May alam ito patungkol sa tunay niyang katauhan. "Sumama ka sa 'kin, Ate Cythe." alok ni Ed nang nakangiti. "Inutusan lang din ako." "At kung hindi ako papayag?" Lumakas ang halakhak ni Ed sa kaniyang harapan, na naging dahilan nang pagtitinginan ng mga iilang customer sa loob ng coffee shop. Inilabas ni Ed ang mga picture na kinunan sa iba't-ibang taon, at sa iba't-ibang lugar. "We've been searching for you. Mabuti na lang at hindi ka tumatanda, kagaya ng inaasahan ng aming angkan." Doon na siya naalarma. Gagalaw na sana si Cythe upang makalayo nang bigla na lang umiikot ang buo niyang paligid. Napahinto siya at napahawak sa kaniyang upuan. Paunti-unting nanlalabo ang kaniyang paningin. Ang lahat ay dumidilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD