Umunang lumabas si Jay sa sasakyan tapos may mga babaeng nagsisigawan. Gwapo naman si Jay at nung lumabas din si Dan naghiyawan din ang mga babae. Edi sila na ang sikat. Nahihiya kaya akong lumabas. Lumapit si Jay saakin at inilahad ang kamay niya. Kaya kinuha ko ito at lumabas na din. 'Sino siya? Bakit kasama niya ang Park Brothers?' 'Oo nga... pinsan ba nila yan?' 'Girlfriend ba yan ni Jay?' "Wag mo na silang pansinin." Sabi ni Jay. Lumakad na kami papasok ng school. "Dan, bantayan mo ang kapatid natin. Ikaw ang charge ngayon." Sabi ni Jay. Napa tsk naman si Dan. At nagpaalam na si Jay isang year kasi ang agwat niya saamin. Si Dan naman pareho kami ng edad. Umunang pumasok si Dan. "Oh, new transferee... introduce yourself." Sabi nung lalaki parang siya ang adviser namin.. "Ako