Chapter 8

1043 Words
Isang linggo pero wala pa rin Raven na umuuwi dito sa bahay. Napapaisip na nga ako kung tama pa bang umuwi ako dito sa bahay namin kung saan muntik ng mawala ang anak namin. Umaasa pa rin kasi ako na babalik s’ya, umaasa ako na baka lasing lang s’ya no’n o stress sa trabaho kaya n’ya nasabi ang mga bagay na ‘yon sa akin. Hindi namna ako iiwan ng asawa ko at kahit pa magpadala s’ya ng annulment letter hindi ako pipirma. Hindi ako makikipaghiwalay sa kanya. Si Raven lang ung taong tumanggap sa akin, si Raven lang ang pamilya ko at hindi ko kayang mawala s’ya. Wala silang alam sa pinagdaanan ko, lahat ng hirap dinanas ko pero si Raven lang ang nandyan sa tabi ko. Alam kong iba ung sitwasyon namin ngayon pero ayokong sumuko sa asawa ko kasi hindi rin n’ya ako sinukuan ng mga panahon na kailangan ko ng karamay. “Anak kapit ka lang kay mommy ah, iintayin natin si daddy mo.” sabi ko sa walang muwang na sanggol sa sinapupunan ko. Hindi ako papayag na lumaki ang anak ko ng wala si Raven sa tabi n’ya. Hindi ko hahayaan na matulad sa akin ang anak ko na walang ama na kinagisnan. Gusto kong bigyan ng kumpleto at masayang pamilya ang anak ko. Kahit gaano kahirap titiisin ko dahil kasalanan ko naman kung bakit hindi maayos ang pakikitungo ni Raven sa akin. Alam kong galit s’ya sa nagawa ko at gagawin ko ang lahat para mapatawad n’ya ako sa nangyari. Kasalanan ko kung bakit malaki ang galit sa akin ng asawa ko, kung bakit n’ya na ‘to nagagawa. “Hija kumain ka na,” sabi sa akin ni manang at inalalayan akong bumangon. Hanggang ngayon ay naka bed rest pa rin ako. “Manang hindi pa po ba tumatawag si Raven?” tanong ko sa kanya. “Gusto mo bang sabihin ko na sa mga magulang n’ya ang sitwasyon n’yong mag asawa?” tanong ni manang sa akin. Umiling naman agad ako. “Manang ‘wag na po natin silang istorbohin sa problema namin ng asawa ko. Ayoko pong lumalala pa, alam n’yo naman po siguro ang kayang gawin ni Dad kay Raven,” sabi ko kay manang at tumango s’ya. “Pero Tricia hindi sa lahat ng pagkakataon puro asawa mo ang inuuna mo, kita mo nga ngayon at nagkakasakit ka.” sabi n’ya sa akin. “Salamat po manang sa pag aalaga sa akin,” sabi ko sa kanya. “Wala ‘yon hija, kung hindi pa sinabi ni Sean na may sakit ka hindi ko pa malalaman at hindi ako makakabalik agad dito.” sabi ni manang sa akin. I guess hindi sinabi ni Sean kay manang ang totoong nangyari. Okay na rin ‘yon para wala ng ibang madamay pa. Ayokong lahat sila ako ang iitindihin, may kanya-kanya naman kaming mga buhay at ayokong maging pabigat sa kanilang lahat. Hanggang kaya ko lahat ng pagsubok haharapin ko ng ako lang. “Salamat po talaga manang kasi nandyan kayo para sa akin kahit na hindi n’yo naman po kami obligasyon ni Raven,” sabi ko sa kanya. “Alam mo naman na maliit pa lang si Raven ay alaga ko na ‘yon, para ko ng anak ang asawa mo at ganun na rin ang tingin ko sa’yo kaya wala kang dapat ipagpasalamat sa akin.” sabi n’ya at hinaplos ang buhok ko. Hindi ko maiwasan mapangiti sa ginawa ni manang. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi n’ya rin kami sinusukuang mag asawa. “Salamat po talaga,” muling sabi ko sa kanya. “Kumain ka na at magpalakas ka para manumbalik na ang sigla mo,” sabi ni manang at tumango ako saka nagsimulang kumain na. Iniwan naman na ako ni manang dito sa kwarto para hayaang kumain. Wala naman akong pupuntahan saka alam kong may mga inaasikaso pa si manang sa baba. Sa dami ng nangyari nitong nakaraang linggo parang kahirap ng ayusin ang lahat pero hindi ako susuko. Kailangan ko talagang magpalakas para sa anak ko. Sa ngayon kailangan kong alagaan ang sarili ko para sa anak ko, para lumakas ang kapit n’ya sa akin. Hindi pwedeng maulit ang nangyari nitong nakaraan, sabi ng doktor ko kapag dinugo pa raw ulit ako baka tuluyan ng mawala sa akin ang anak ko. Ayokong mas magalit si Raven sa akin dahil do’n. Buong maghapon ako binabantayan ni manang at sinisiguro n’yang maayos ang kalagayan ko. Sa buong maghapon din na ‘yon ay wala akong ginawa kung hindi magpahinga, gustuhin ko mang umiyak pero pati ata luha ko ay sumuko na sa akin dahil wala na akong mailuha. Bumangon ako para kumuha ng tubig sa baba, ayoko naman ng istorbohin pa si manang sa pagkuha lang ng tubig. Kaya ko naman tumayo at wala naman mangyayaring masama sa akin. Buong maghapon akong inaalagaan ni manang tapos maghapon din s’yang nag aayos dito sa bahay dahil sa mga kalat na naiwan. Napahinto ako sa harap ng salamin ng makababa ako, napangiti ako ng mapait ng makita ko ang itsura ko sa salamin. Malaki ang ipinayat ko at halata rin sa mukha ko ang pagod at puyat. Ang daming nagbago simula ng nangyari ang araw na ‘yon. Nagbago si Raven sa pakikitungo n’ya sa akin at pati sarili ko napabayaan ko na dahil si Raven lang ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko naaalagaan ang sarili ko dahil busy ako sa paghabol sa asawa ko, busy ako sa pagbuo ulit ng relasyon naming sira na. Ang haba na ng buhok ko at magulo rin ito, mukha akong patay na nabuhay sa itsura ko ngayon. Halatang halata ang laki ng ipinayat ko kumpara dati. Ang ikinatuwa ko lang sa itsura ko ngayon at ang nagsisimulang pag umbok ng tyan ko dahil sa batang nasa sinapupunan ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati ang batang ‘to ay mawala pa sa akin. Hindi ko kayang mawalan pa. Madami ng nawala sa buhay ko. “Are you done checking yourself?” tanong ng isang pamilyar na boses kaya nanlaki ang mata ko. Nakatingin ako ngayon sa kanya sa salamin. “Raven!” tawag ko sa pangalan ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD