Chapter 4

1744 Words
Jirah "Ate Ella, samahan mo muna akong mag ikot sa Ateneo, di pa kasi ako nakaka pamasyal ulit dito eh," hila ko kay ate Ella pagkatapos ng training nila. Nauna nang umalis si Jia kanina na laging kukunot ang noo pag mapapadako ang tingin sa'kin. Ang init talaga ng dugo sa'kin ni Jia my love. "Ililibre mo ba ako? Kung hindi, humanap ka na lang ng iba, busy ako," sabi naman nya sa akin. Tsk, ibang klase talaga ang katakawan ni ate Ella. "Oo na, halika na," As if naman may choice ako diba? Eh sya lang naman yung pwede kong hilahin dito. Si Ate Den sana, kaso busy sya masyado kay Ate Ly. Hinalikan ko muna si besh Marge sa pisngi at nagpaalam na mamamasyal kami ni ate Ella bago ko hinila ang huli palabas ng gym. Habang naglalakad ay nagkkwentuhan kami ni ate Ella, nagtatanong din ako tungkol kay Jia. "Crush mo si Jia?" tanong ni ate Ella. Naramdaman ko naman na namula ako. Hindi nga ako agad nakasagot sa tanong nya eh. Eto naman kasing si Ate Ella, straight to the point agad. "Hala, namumula ka, baby Ji. Dalaga ka na," biro pa ni ate Ella na sinabayan ng tawa. "Oo ate Ella, ang ganda niya kasi eh, saka ang sungit." sabi ko na lang. Hindi rin naman sya maniniwala kung itatanggi ko eh. "Ngayon lang ako nakarinig na crush ang isang tao dahil masungit. Masokista ka talaga, una minahal mo si Marge kahit di kayo pwede ngayon naman may crush ka sa taong mainit ang ulo sa'yo. Hindi ka ba pwedeng maging normal?" Mahabang litanya ni ate Ella. I smirked. "Di pwede, ate, walang thrill yon." "Gaga ka talagang bata ka." naiiling na sabi na lang nya sa akin. Inakbayan ko si ate Ella. "Ate, alam mo kasi, wala naman akong magagawa kung sinong magugustuhan ng puso ko, kesa labanan ko, tatanggapin ko na lang. Tapos ang usapan." nakangiting sabi ko pa sa kanya habang yung magandang mukha ni Jialoves yung nasa isip ko. "Abnormal. Abnormal ka, Jirah." "Normal is boring," sabi ko sabay smirk ulit sa kanya. May nakita akong shop habang naglalakad kami kaya hinila ko si ate Ella papunta don. "Ate Ella, bibili ako ng shirt." sabi ko sa kanya pagpasok pa lang namin sa shop. "Bakit bibili ka pa, libre lang tayo sa ganyan eh." nakataas pa ang kilay na sabi nya. "Basta lang," habang nagtitingin ay napansin ko ang isang blue shirt na may number 12 at Morado sa likod. Kinuha ko ito. "Ate Ella, bibilhin ko 'to ah, bagay sa'kin. Surname ko pag kasal na kami ni Jia," biro ko saka lumapit sa counter at nagbayad. "Crush mo nga, ayaw mo nga na nagsusuot ng jersey ng iba dati eh. Pero baby, wala ka nang pag asa don eh, may boyfriend na yon," sabi ni ate Ella paglabas namin ng shop. Oh, taken na rin pala si Jialoves ko. Pero, hindi pa rin ako susuko. Malapit ng mag-23, magbbreak din sila. "Maghihiwalay din sila," confident kong sabi. Kinurot ako ni ate Ella sa tagliran, "Wag mong ipaparinig kay Jia yan kundi patay ka na naman don." Sus, ganun ba kapatay na patay si Jia sa boyfriend nya? Di hamak na mas cute ako don no! "Seryoso ako, I like her." sabi ko kay Ate Ella. "Parang si Marge?" Umiling naman ako. "Correction, ate. I loved Marge, wala pa sa ganong level yung feelings ko kay Jia, hello, kahapon ko pa lang siya nakita eh. Like at first sight yon." OA naman kung love agad diba? "Whatever, sana lang alam mo yung ginagawa mo. O, ngayong naka ikot ka na, ibili mo na ako ng pagkain at nagugutom na ako," nagpatiuna na si ate Ella sa bilihan ng pagkain siyempre. Pagdating sa dorm ay agad ako pumasok sa kwarto ni Marge para ibigay sana ang pasalubong ko pero si Jia lang ang nandon at mukhang umiyak siya dahil nagpahid siya ng luha nung makita niya ako. "Hindi ka ba marunong kumatok?!" inis nyang tanong sa'kin. Haist, kelan ba ako kakausapin nitong si Jia na walang halong galit or inis? "Hindi. Bakit ka umiiyak?" lumapit ako sa kanya at umupo sa kama niya. "None of your business, di ba sabi ko wag mo kong kakausapin?" ayan na naman. Ms. Sungit talaga o. Pasalamat talaga sya at gusto ko sya ha. "Sinabi ko bang susunod ako?" "Lumabas ka na, wala si Marge dito, nag dinner sila sa labas ni Riley," pagtataboy sa'kin ni Jia. "Okay lang, nandito ka naman." ngumiti na ako sa kanya. "Sa'kin hindi okay kaya labas na," itinuro pa niya ang pintuan. "Para ano? Para ituloy mo yang pag iyak mo?" Itinuro ko ang sarili ko. "I'm here, I could be your distraction, kahit sungitan mo lang ako, basta hindi ka na iiyak." "Bakit ba ang kulit mo? Kahapon ka pa, sinusungitan lang naman kita pero hindi ka tumitigil." "Ganoon talaga eh."alangan namang sabihin ko sa kanya na kinukulit ko sya dahil gusto ko sya diba? Baka majombag ako ng wala sa oras ng babaeng 'to. "Malabo ang sagot, hindi ko tatanggapin," sabi niya pero medyo may konting ngiti naman. Nang oras na yon ay nangako ako sa sarili ko na gagawin ang lahat mapangiti lang si siya. Nagkamot ako ng ulo,"Ayoko ng nagpapaliwanag, Jia. Mahina ako sa explanations eh." Pinagtaasan niya ako ng kilay saka namaywang. "Fine. Eto na lang, bakit may suot kang shirt ko?" Nagliwanag ang mukha ko, "bagay ba? Nakita ko 'to kanina sa pinuntahan namin ni ate Ells kaya binili ko." May pagmamalaki kong sabi at tuluyan ng napangiti si Jia. Score! I mentally tapped myself at the back for the good job. "Hindi bagay sa'yo," kunwari ay seryoso niyang sabi pero pinipigilan ang ngiti. "Talaga? Okay lang kung hindi bagay yung shirt. Bagay naman tayong dalawa. Yih, bagay na bagay tayo Jia!" "Shut up, lumabas ka na, matutulog ako," pagtataboy niya na naman. "Aga pa eh, you want me to sing for you para makatulog ka?" Kinuha ko ang gitara ko na nasa bedside table niya dahil nga doon ako natulog kagabi. "Di bale na, baka lalong hindi ako makatulog pag kumanta ka." "Maganda ang boses ko, miss Jia, nakaka in love." Umupo ako sa kama ni Marge, si Jia naman ay humiga na sa kama niya at nagtalukbong ng kumot. "Ang taas ng confidence level mo." "Oo naman. So listen ah." Nagsimula na akong tumipa pero hindi na ako kumanta baka kasi ayaw masyado ni Jia ng maingay pag matutulog siya. Nang makatulog si Jia ay lumabas na ko ng kwarto nila, pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Marge na paakyat naman. "Besh, saan ka galing?" tanong ko. "Sa tabi tabi lang, besh." Lumapit ako sa kanya at inamoy siya. "Nakainom ka? Sabi ni Jia nag dinner daw kayo ni Riley, siya yung kasama mong uninom?" "Hindi no, after ng dinner, lumabas kami ng ibang block mates ko. Sila yung kasama ko, besh." Itinuro pa niya ako sa dibdib pagkatapos ay niyakap ang braso niya sa leeg ko. Niyakap ko naman ang bewang niya para hindi kami matumba. Pasuray suray kasi. "Okay. Halika igagawa kita ng coffee para mag sober ka tapos maraming tubig para hindi sumakit yung ulo mo bukas," masuyong sabi ko sa kanya. Inakay ko siya papaunta sa kusina, naka yakap pa din siya sa'kin kaya medyo nahirapan ko na i – guide siya papunta sa mesa. Inalalayan ko siyang umupo at nag handa ng kape at tubig para kay Marge. Habang hinihintay na kumulo ang tubig ay nakasandal ako sa sink at pinagmamasdan ko si Marge na natutulog na ngayon. Bakit kaya uminom 'to? Hindi naman siya umiinom kapag walang okasyon o hindi kasama ang team. Pagkatapos kong gawin ang kape niya ay ipinatong ko ito sa mesa at inalog bahagya ang balikat niya. "Besh, wake up na. Inumin mo na to para makaakyat ka na at makapagpahinga." Nagising naman siya agad at ininom ang kape, mukhang agad naman itong umepekto dahil mukha nang sober agad si Marge pagkaubos sa kape. "Thanks, besh. Na miss ko 'to, walang ibang taong nag alaga sa'kin pag lasing ako tulad ng pag aalaga mo nung wala ka pa." "Good thing, nandito na ako ulit. Maaalagaan na kita, bakit ba kasi uminom ka?" Inilayo ko ang tasa na walang laman at inilapit naman ang baso ng tubig sa kanya para yon naman ang inumin niya. Agad naman niya itong ininom pagkatapos ay nagkibit balikat. "Wala lang," sandaling walang nagsalita sa amin kaya tumayo ako at ililigpit ko na sana ang mga ginamit niya pero hinawakan niya ako sa braso kaya umupo ako at tinitigan siya. "May problema ba, besh?" nag aalala kong tanong. Umiling siya at tiningnan ako, malungkot ang mga mata ni besh. Ano kayang problema niya? Nag away kaya sila ni Riley? Makakatikim sa'kin ang lalaking yon pag sinaktan niya si besh. Bumuntung hininga muna si Marge bago nagsalita, parang kumukuha pa ng lakas ng loob. "Ano ng nga, besh?" pilit ko sa kanya. "Besh, naalala mo yong isang hiling ko sa'yo nung first year tayo?" Naalala ko yon, minsan umiyak si Marge sa'kin nung rookies pa lang kami dahil nangako ang mga magulang niya na manonood ng game namin pero hindi dumating. Busy ang mga magulang ni Marge sa business nila kaya palaging walang panahon sa kanila nung kuya niya. Kaya naman para hindi na siya malungkot, sinabi ko sa kanya na pwede siyang humingi sa akin ng kahit ano at ibibigay ko. At gagawin ko pa din yon ngayon. "What about it, besh? Wala ka naman hiniling eh, meron na ba ngayon?" Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko, hinawakan ko naman ang kamay niya habang hinihintay siyang magsalita. "Wala pa, besh. Kapag meron na sasabihin ko sa'yo. Ibibigay mo pa rin ba kahit hindi ka masaya?" Napakunot ang noo ko, ang g**o ni Marge ngayong gabi pero sinagot ko pa din siya. "Yes, Marge, if it will make you happy." Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you, besh. I love you." "I love you too," when I said those words, alam ko na hindi na gaya ng dati para sa'kin ang ibig sabihin ng apat na salitang binitawan ko. I love Marge, but I'm not in love with her anymore. Naka hinga ako nang maluwag. Babalik na kami sa dating kami. At bigla kong naisip ang taong tinugtugan ko kanina na mahimbing na ang tulog ngayon. Jia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD