Shin’s POV Dumating na ang kaarawan ni Ella. Lahat ay abala sa paghahanda para sa okasyon. Samantalang ako ay hindi mapakali sa mga sandaling ito habang kausap ko ang celebrant. “Kid, just try to relax, okay? Kapag super sakit, just breathe in and breathe out lang, then push!” “Ate Shin, hindi ako manganganak kaya no need to push,” natatawang tugon nito. “Plus, mamaya pa namang midnight ang transformation. I think, dapat ikaw muna ang magrelax.” I sighed. Oh, boy! Parang tama nga ito. Minabuti ko munang maupo sa tabi ng kuneho na nakaupo sa mahabang wooden chair, na nasa tabi ng gym kung saan ang venue ng party. “May gusto ka bang kainin, kid? How about carrots? Hindi ba favorite mo iyon?” “Luna, chill out!” Binigyan ako ng shot of tequilla ni Alley. Agad kong kinuha iyon at idiniret