Shin’s POV Pinilit kong pagkasyahin ang aking sarili sa ilalim ng kama ni Raffa at tinakpang mabuti ang aking bibig. Darn it! Akira will surely kill me dahil sa hindi ko pagsipot sa kasal nito. May valid reason man kaya nangyari iyon ay hindi ganoon kadaling lumimot sa atraso ang halimaw na iyon. Bumukas ang pinto ng silid at nakarinig ako ng mga yabag. Oh, s**t! Kahit mamamatay pa ako sa suffocation dito, hinding-hindi ako haharap sa kaniya. “Come out, Shin Rivas. Come out, wherever you are.” Naririnig ko ang mga yabag nito na palakad-lakad sa kuwarto. Hala, hayan na nga po si Bella Aswang! Lalo pa akong sumiksik sa ilalim ng kama. Hindi ako p’wedeng makita ni Aki. May anger issue kasi siya at masyado itong bayolente. But come to think of it, Aki used to be an underground fighter. Ma