Shin’s POV “Luna, maghunos-dili ka!” pigil ni Neil sa akin habang pilit na inaagaw ang bitbit kong maleta. Napabuga ako ng hangin at asar na tiningnan ito nang matalim. “Umalis ka sa daraanan ko!” Pababa na ako ng hagdan, ngunit patuloy pa rin ang unggoy sa pagharang sa akin. “Luna! Huwag mong gawin iyan!” Haist. Dumagdag pa ang minion nitong si Lexar. “Ano ba?!” Pinagsisipa ko ang dalawa upang lumayas ang mga ito sa aking daraanan. “Tsupi! Sinabi ng tumabi kayo! Ang kulit n’yo, ah!’’ Ngunit hindi man lang natinag ang mga damuho. At sa gulat ko ay sabay pang lumuhod at yumakap sa aking baywang ang mga ito. What the f**k?! “Luna!” Aba’t talaga nga namang tinamaan ng magaling. Ayaw talagang umalis ng mga ito. “Ano ba?! Bitiwan n’yo sabi ako, mga ungas!” Pinilit kong humakbang ngunit m