Kabanata 70 Luna POV Pagkatapos kong makipag-usap kay Mia ay ibinalik ko na ang cellphone ni Eireen at nagsimula na kaming kumain na dalawa. Mabuti na lang at hindi na gaanong nagtanong si Mia sa akin. Hindi ko na rin kasi alam kung ano ang idadahilan ko pa sa kanya kung sakaling nagtanong pa s’ya, ayoko naman ng magsinungalin pa dahil lagi na lang ako nagsisinungaling sa kanila. Alam kong hindi madali ang sitwasyon ko ngayon pero kailangan kong gumawa ng paraan para makahanap ng trabaho pero ang dapat ko pa pala munang problemahin ay ang gamit ko na naiwan sa unit ni Axel. Hindi naman ako pwedeng basta na lang pumunta ‘don saka hindi rin naman ako makakapasok dahil ibinalik ko na kay Axel ang susi ng bahay n’ya, wala naman na kasing dahilan pa para manatili sa akin ‘yon dahil wala na a