Kabanata 27 Luna POV Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng epekto ng mga mata n'ya sa akin at hindi ko maialis ang tingin ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maitindihan ang nararamdaman ko kapag kasama ko s’ya at laging sobrang bilis ng t***k ng puso ko kapag lumalapit s’ya sa akin at hindi tama ‘to. Naitulak ko lang s'ya ng may nagsalita sa likod naming dalawa at napaayos ako ng tayo. "Look what we have here!" sabi nito at inakbayan si sir Axel. Napayuko naman ako at umiwas sa kanila lalo na kay sir Axel na nakatingin sa akin. "What the hell are you doing here Karter?" tanong n'ya dito. "I'm just visiting you and I'm glad that I'm with Caius this time to witness another scene like what the last time, but she slaps you that time and I guess wala na kayong LQ ngayo