Kabanata 103 Luna POV Isang linggo na akong nakatira dito sa Nueva Ecija at naging maayos naman ang buhay ko, wala rin gumugulo sa akin pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga iniwan ko sa maynila. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako sa kanila lalo na sa kapatid ko, alam kong nag-aalala na sila sa akin at sana ay patawarin nila ako sa nagawa kong kasalanan na bigla na lang akong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanila ng maayos. Hindi ko naman gustong umalis pero eto ang kailangan kong gawin para matahimik na ang buhay ko pati na rin ang sugatan kong puso pero kahit naman ganon ay nandito pa rin ang sakit at nasa isip ko pa rin ang nangyari. Mahal ko si Axel at ganun naman talaga pag mahal mo ang isang tao hindi ‘yon madaling mawala. Nakahanap na rin ako ng OB gyne ko dito kasi k

