Kabanata 98 Axel POV Luna is mad and she is also mad at me. Wala akong ginawang masama at hindi ako nagtaksil sa kanya pero ngayon ‘yon ang nasa isip n’ya dahil sa narinig n’yang sinabi ni Reah. Mahal ko s’ya at hindi ko magagawa ang bagay na ‘yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Reah para sabihin ‘yon kahit hindi naman totoo. “Let me explain Luna,” sabi ko kay Luna. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang side ko dahil hindi naman totoo ang mga sinabi ni Reah pero kesa hayaan n’ya akong magpaliwanag sa kanya umiling lang s’ya sa akin. Ito na nga ba ang kinakatakutan kong mangyari. “May asawa na si Reah pero ano ‘tong narinig kong pinag-uusapan n’yong dalawa? Panagutan? Ano ‘yon buntis si Reah at ikaw Axel ang ama?” sigaw na tanong n’ya samin ni Reah. “Luna please listen

