Kabanata 86 Luna POV Isang linggo na ang nakalipas simula noong nangyari ang insidente sa café ni Eireen at ngayon ay pabalik na rin si Axel ng maynila pagkatapos ng trabaho n’ya sa Palawan. Sa loob ng isang linggong pagkawala n’ya ay hindi pwedeng hindi kami mag-uusap na dalawa sa loob ng isang buong araw ay nakakailang beses s’yang tumatawag sa akin at hindi ko na nga mabilang kung ilan kaya parang nandito lang din s’ya sa tabi ko. Sa loob din ng isang linggong pagkawala ni Axel ay madalas akong pinupuntahan ni tita Frances sa opisina ni Axel at madalas n’ya rin akong itakas kaya ung ibang mga trabaho ko ay napupunta sa iba dahil na rin sa utos ni tita Frances kahit na ayokong ibigay sa iba dahil may ibang trabaho rin silang ginagawa pero wala akong choice dahil si tita Frances mismo

