Kabanata 29 Axel POV Nang makarating kami sa bar ni Karter ay pumasok kami sa loob ‘non at pinuntahan si Grant. Naabutan naming tatlo si Grant na may kasamang dalawang babae at ang isa ‘don ay kahalikan n’ya kaya napailing na lang ako. “Grant!” tawag sa kan’ya ni Caius kaya naman natigilan s’ya at tumingin sa’min. “Girls see you later,” sabi n’ya sa dalawang babaeng kasama n’ya at hinarap kami. “Two girls in just short period of time,” umiiling na sabi ni Karter. “Wag kang magpalinis dahil ganyan ka rin,” sabi Grant sa kan’ya. Hindi kumibo si Karter at tiningnan lang n’ya ng masama si Grant. Hindi ko sila pinansin at umupo na lang ako sa bakanteng upuan sa tapat nila at kinuha ang isang bote ng beer sa lamesa saka ininom ‘yon. “I will just make a call,” sabi ni Caius sa’min a