Kabanata 82 Luna POV Hinayaan ko muna si Axel na gawin n’ya ang trabaho niya dito at nanatili na lang ako sa isang tabi habang kasama ko ang ilan sa mga tauhan n’ya. Kanina ay kasama ko si John pero umalis din s’ya agad dahil kailangan s’ya ni Axel kaya hindi n’ya nasagot ang tanong ko sa kanya, pumunta kasi ang isa sa tauhan ni Axel at may kailangan daw si Axel kay John kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang babae na ‘yon. Wala rin naman nga palang kasiguraduhan kung sasagutin ni John ang tanong ko sa kanya. Alam ko naman na hindi ko na dapat iniisip pa ‘yon kasi kami na ni Axel at may tiwala naman ako sa kanya. May paraan naman ako kung paano ko malalaman ‘yon ang kailangan ko lang gawin ay tanungin si Axel pero hindi ko nga kasi kaya. Ayoko naman na akalalin

