Kabanata 96 Axel POV Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla na lang nagalit si Luna sa akin kagabi pero hindi ako papayag na mag-away kaming dalawa. I already make sure na napadalan ko s’ya ng bulaklak at ng breakfast n’ya bago ako pumasok dito sa kompanya. Gusto ko sana na ako mismo ang magdala ng mga ‘yon para makita ko si Luna pero hindi ko na nagawa dahil may meeting ako ng sobrang aga at kailangan agad ako dito sa opisina kaya inutos ko na lang sa tauhan ko. Mamaya ay pupuntahan ko s’ya sa oras na matapos ako sa trabaho ko dito kaya rin minamadali ko na ang lahat para magkita na kami ni Luna. Mabuti na lang at wala silang lakad ni mommy ngayon kaya paniguradong nasa bahay lang s’ya. “Sir may meeting po pala kayo sa team ng project sa Palawan ngayon,” sabi ni John sa akin. “

