Kabanata 20 Luna POV Hindi ko alam kung saan niya ako dadalin dahil bigla na lang n’ya akong hinila sa hindi ko alam na dahilan. Kinakabahan ako pero hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi man lang ako nagpumiglas sa kaniya habang hila-hila n’ya ako papunta sa kung saan lugar. Huminto kaming dalawa ng makarating kami sa parking lot at bigla na lang n’ya akong binitawan na ipinagpasalamat ko dahil nakawala rin ako sa pagkakahawak niya sa akin. Bumakat ang pagkakahawak n’ya sa palapulsuhan ko da higpit ng hawak n’ya. “Ano bang problema mo?” tanong ko sa kaniya at tiningnan s’ya ng masama dahil sa ginawa niya sa’kin. “Get inside the car,” utos na sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko siya maintindihan sa ginagawa n’ya. Dahil ba ‘to sa nangyari kanina? Kung oo