Kabanata 22 Luna POV Inilibot ko ang paningin ko sa paligid habang busy s’ya sa pag order ng pagkain naming. Ayoko naman ng makielam dahil wala naman akong alam sa kung ano ang pwede kong orderin dahil ang mahal kasi ng pagkain dito pero kahit na ganon ay marami pa rin na kumakain dito at halos lahat ay puro mga businessman na mukang nasa business meeting. “Are you okay?” tanong n’ya sa akin. “Oo,” sagot ko sa kan’ya at ngumiti. Nahihiya tuloy ako sa kan’ya dahil sa ginawa ko sa kan’ya pero naiinis pa rin ako sa ginawa n’yang paghalik sa akin. Hindi ako magsisinungalin sa sarili ko ngayon na hindi ako nadala sa nangyari kanina dahil sa totoo lang ay may kakaiba akong naramdaman sa halik na ‘yon. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Hindi ko na dapat isipin n’yo dahil tapo