Kabanata 66 Luna POV Maaga akong gumising ngayon at pumasok sa trabaho kahit na medyo napuyat ako sa kwentuhan namin ni Mia kagabi. Kailangan ko kasing magluto ng umagahan ni Axel saka maglinis na rin ng unit n’ya ngayon, dapat nga ay may pasok ako sa café pero hindi ako pinapasok ni Eireen dahil sarado sila ngayon para sa isang event na gaganapin sa café kaya maglilinis na lang muna ako ng unit ni Axel ngayong araw. Tamang tama rin kasi ang araw dahil makalat na sa unit ni Axel dahil hindi naman marunong maglinis ang tao na ‘yon at sa akin nakaasa ang lahat at hindi naman ako nagrereklamo dahil trabaho ko ‘to. Nitong nagdaan na araw kasi ay sobrang busy n’ya sa trabaho dahil sa bagong project na ginagawa n’ya kaya rin maaga akong nakakauwi dahil hindi ko na s’ya naipagluluto ng hapun