Kabanata 108 Luna POV Hindi ko alam kung nasaan ako dahil ang dilim ng paligid hanggang sa biglang lumiwanag kaya naman napapikit ako hanggang sa unti-unti ng nag adjust ang paningin ko sa paligid. Ang ganda ng lugar na ‘to at para akong nasa Paraiso. Hindi biro ang lugar na ‘to at ang ganda ng mga halaman na nakatanim dito. Naglakad ako at nilibot ang paligid hanggang napahinto ako sa nakita ko. Nanlaki ang mata ko ng matanawan ko ang dalawang taong palapit sa akin. Si nanay saka si tatay ‘yon. Tumakbo ako palapit sa kanila at sinalubong sila ng yakap, hindi ko pamigilan na hindi umiyak. “Nanay, tatay” tawag ko sa kanila habang umiiyak. “Ang prinsesa namin nagiging iyakin na,” sabi ni tatay sa akin at hinawi ang buhok ko. “Namimiss ko na po kayong dalawa, sana kasama namin kayo n

