Kabanata 106 Luna POV Kahit labag sa kalooban ni Axel ang gusto ko ay ginawa pa rin n’ya. Iyon ang huling pag-uusap naming dalawa ng magkasama pero kahit na nasa maynila s’ya hindi pa rin s’ya tumitigil ng kakatawag sa akin kaya parang wala lang ‘din at ngayon nga nakaayos na ang gamit ko kasi babalik na ako sa maynila at wala s’yang alam ngayon na babalik na ako. Nakapag-isip na ako at ayoko na rin naman patagalin pa ang lahat ng ‘to. Buntis ako at ayokong umabot pa ng buwan ang pag-iisip ko kaya pinag-isipan ko talagang mabuti ang lahat para sa aming dalawa sa dalawang linggong pamamalagi ko dito simula noong naging pag-uusap namin ni Axel. Ang alam ko wala rin pinagsabihan si Axel tungkol sa nangyari kaya kung babalik man ako paniguradong magugulat silang lahat lalo na ngayon sa itsu

