KABANATA 29 FREDERICK'S P.O.V. ILANG beses akong bumuntong-hininga matapos kong paulit-ulit na pinapanood sa youtube ang naging interview ko kahapon do'n sa Charity na pinuntahan namin ni Mrs Allyson Ramirez. Muli na namang rumehistro sa'kin ang napakagandang mukha ni Mrs Allyson. Hindi nakakapagtakang hindi siya bitawan ng Asawa niyang si Mr Frits Santiago. Ang may-ari ng Schiol na pinapasukan ko bilang isang elementary Teacher. Napadako ang tingin ko sa Cellphone kong walang tigil ang kakatunog. Hindi ko na siya hinahawakan ngayon mula ng lumabas ang balita. Tiyak kasing marami akong mababasang masasakit na salita mula sa mga co-teachers ko at mga kaibigan ko. ILANG SAGLIT pa narinig kong tumunog ang doorbell mula sa pintuan ng condo unit ko. Agad akong tumayo upang pagbuksan ang tao