Liezel MABILIS nilang nilapitan ang mga nagkalat na bahagi ng drone sa paligid at pinagdadampot. Ininspeksyon ni Damien ang isang malaking bahagi pa nito. Wala akong nagawa kundi ang panoorin lang sila mula dito sa front door ng bahay. "Hanapin niyo sa labas kung sino ang may-ari niyan. Nandyan lang 'yan," utos ni Damien sa mga tao niya. Kaagad na nagsilabasan ang ilan sa kanila. Ang iba naman ay naiwan at hinahanap pa rin ang iba pang parte ng drone sa paligid. Muli nang naglakad pabalik sa akin si Damien. "Sino kaya ang gumawa niyan?" tanong ko sa kanya. "We'll find out by this." Ipinakita niya sa akin ang isang microSD card. "Come on." Hinila niya ang kamay ko at isinarang muli ang pinto. Nagtungo kami sa living room. Kinuha niya ang isang laptop na nakapatong sa isang cabinet