Damzel "Bullshit. Linisin niyo ang mga 'yan." Napatiim-bagang si Damiel nang makita namin ang mga chewing gum na nakadikit sa maraming CCTV mula sa 1st floor hanggang 3rd floor. Pero ang gusali naming ito ay hanggang 5th floor. Hindi nakita sa mga monitor si Batman, kaya hindi rin nakunan ang pagpasok niya sa loob ng opisina ko. So, this is what he did, huh. Pero siya ba talaga ang gumawa ng mga ito? Paano? Napakabilis naman niya. I just smiled secretly. Pero mas lalo pa ako ngayong nahiwagaan sa pagkatao niya. Hindi ko rin naman siya nakausap kanina dahil nga sa pagtatago niya mula sa mga bodyguard naming naghahanap sa kanya. Kung may mas mahaba pa sana kaming time sa isa't isa. Kukulitin ko siya para sa pangalan niya at sino nga ba siya? "Siguraduhin niyo rin munang mabuti na malin