Liezel KINABUKASAN ay nag-enjoy kami ni darling sa paglalangoy sa dagat. Mali, si darling lang pala ang lumangoy dahil hindi pa ako marunong niyan sa ngayon. Naglabas naman siya ng salbabida at sinuotan niya ako ng life jacket kaya nakapag-enjoy din ako sa paliligo. Puro harutan lang naman kami sa tubig. Madalas siyang lumangoy sa ilalim at hahawakan ako sa kung saan-saang parte ng katawan ko. Natatakot ako dahil baka mamaya ay bigla na lamang may lumabas na pating. Wala rin siyang tigil sa kahahalik sa akin. Parang may plano pa nga siyang angkinin ako sa tubig! Mahirap yatang gawin 'yon, no! Baka pasukan ng tubig ang matris ko! Kumuha ako ng maraming larawan naming dalawa gamit ang bago kong phone. Sumubok din siyang manghuli ng isda na maisasama namin sa pagkain namin sa maghapon.