Damzel "Itabi niyo muna po sa gilid," utos ko sa mga bodyguard na kasama ko. Dalawa silang nasa unahan ko. Sila Kuya Rocco at Kuya Inigo. They have been my guardians since I was a child. Matatagal na silang mga tauhan ni daddy. Kaagad din nilang inihinto ang kotse sa gilid ng mahabang tulay na ito. "Bababa po ba--" Nagsasalita pa lamang si Kuya Rocco ay kaagad ko nang binuksan ang pinto sa tabi ko at mabilis na bumaba. I walked along the side of the bridge towards the middle part. Gabi na at tanging mga ilaw na lamang ang nagsisilbing liwanag ng buong paligid. Wala man lang bituin o kahit buwan sa kalangitan. May naririnig akong mahihinang pagkulog sa kanlurang bahagi. Mukhang uulan pa yata. Baka makikidalamhati din ang kalangitan sa pinagdaraanan ko ngayon. Muli akong napahikbi h