Alvin "Nasaan na ba tayo?" "Antipolo na 'to, tol. Sa simbahan yata sila pupunta." "Tangina, napakalayo na nito. Mga gagong 'yon. Paano pa nila naaatim magsimba? Mga manloloko naman sila." Tinanaw ko ang mga kotse nila at simbahan nga dito sa Antipolo ang tinutumbok nila. Mukhang sa simbahan nga ang punta nila. Nagawa pa nilang magsimba? Tsk. Tsk. "Sundan mo lang," utos ko naman kay Ronel. Umikot pa sila sa likuran ng simbahan dahil one-way ang kalsada. Hindi rin nagtagal ay pumasok na ito sa mismong parking lot ng simbahan. Hinayaan sila ng mga guard. "Mukhang mga special na tao sila! Nakapasok sila sa parking lot ng simbahan," ani Ronel. "Bakit? Bawal ba sila dyan?!" nagtataka ko namang tanong sa kanya. "Mga motor lang ang pwede dyan dahil masikip. Kita mo naman, napakaraming ta