Nang nilagpasan na niya ito para iwanan sana’y napatigil na naman siya nang magsalita ito. “Sa opisina ka ba talaga pupunta o makikipagkita ka lang ulit sa ungas na lalaking kasama mo kanina? Ano? Saan ba? Doon pa rin ba? Do’n pa rin sa pinuntahan ninyo kanina ang magiging tagpuan niyo ulit?” She was shocked in pure disbelief sa kakitidan ng ulo nito! “Puwede ba, Tristann! Tigil-tigilan mo na nga ang kaiisip ng mga imagenary scenarios diyan sa utak mo! Nagmumukha ka nang praning, promise! At hindi maganda! Wala ka namang basis sa mga accusations mo, eh!” Nalungkot ito. “I’m sorry kung gano’n, kung parang ‘yon ‘yung dating sa ‘yo. Pero natatakot lang naman kasi akong baka kapag nakahanap ka ng iba at nagkagusto ka sa kanila, biglang iwan mo ‘ko, Vien. Ayokong mangyari ‘yon. Akin ka, Vien