Umiling-iling siya't winakli ang mga pilit na sumagi sa isipan. Ano namang connect ni Vito dito? Nakaraan na lang niya 'yon! Past! Ex-boyfriend! Kaya 'di na niya dapat pang iniisip! Dapat ay wala nang puwang sa kanyang puso't-isip ang mga manloloko at manggogoyong kagaya ng isang 'yon! Kung si Vien nakakayang magpigil ng sarili sa mga bagay-bagay lalo na't sa mga konklusyong hindi pa naman napapatunayan kung totoo talaga, kabaliktaran nu'n si Tristann na konting kibot, jump to conclusion kaagad-agad at iinit ng ulo, magiging aggressive. Tulad na lang isang araw na nasa Lovely Scents building, naglalakad sila ni Vito sa kalawakan ng gusali at nag-uusap tungkol sa kani-kanilang mga trabaho… "Awww—" biglang nadaing ni Vien in the middle of their casual talk, at natigil din siya sa paglalaka