Nagpatuloy si Vien, "What if may kung anong nangyari sa atin dahil sa pagiging pasaway ninyo?! What if nabangga tayo?! Paano kung hindi mo natigil agad ang sasakyan at nadale 'yung matanda kanina sa pedestrian?! Sa tingin niyo ba magagawa niyo pang tumawa ng ganyan ngayon, ha?!" "Sorry na, Vien. Pasensya na," sincere at buong pagpapakumbabang wika ni Tristann sa kanya. Ngunit hindi kaagad niya tinanggap 'yon at tuluy-tuloy na sinermunan ang dalawa at baka sakaling matauhan at magtanda! "Balak ninyo pa talaga akong idamay sa kalokohan ninyo! Okay lang sana kung kayong dalawa lang ang magkasama at gaagwa kayo ng katarantaduhan pero hindi, eh! Kasama ninyo ako at damay talaga ako!" Nagkagat-labi ang mga ito. Parehong Guilty. "Isa pa, paano na lang kung ipinarating pa 'to ng LTO sa school