“Tinanggap niya ako nang buong-buo at tinuring na parang totoong kapatid niya. She was the first ever friend to stand by my side noong ayaw sa akin ng lahat. Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pangmamaliit o kung ano pa man mula sa kanya. She treated me fairly and equally like how she was treated and respected by everyone because of her high academic performance. Walang mata-matalino, basta para sa kanya, kaibigan niya ako at proud siya doon saka pinangatawanan talaga niya 'yon kahit na hanggang sa makapagtapos tayo sa college." Nuon din tila nakaramdam bigla si Sheryll ng hiya. She knew walang intensyon si Joyce na magparinig sa kanya o mag-throw ng shade o i-compare at contrast sila ni Vien kung paano sila at ang pagkakaiba nila ng huli bilang mga kaibigan dito. She knew within hersel

