Alam niyang lumalabas na para bang nakikiatribida siya dahil ‘ni hindi naman hinihingi ang advice at opinion niya, pero para din naman ‘yon sa ikauunlad ni Jezza sa sarili niya, sa study nito at ni Carlene at sa friendship ng dalawa! Na kay Jezza na lang ang desisyon kung mamasamain nito ang payo niya. “How dare you judge me, Vien! Wala kang alam kaya huwag kang magsalita na parang alam mo lahat ng nangyayari sa amin at sa Thesis namin ni Carlene!” giit nito. Hindi na sumagot si Vien bagkus ay tinikom na lamang ang bibig. She meant what she said kaya magalit man si Jezza ay hindi na niya babawiin pa iyon. Kung kailangang masampal ni Jezza sa katotohanan para lang matauhan, and so be it! Nag-walk out na nga lang ito at tuluyang iniwan sila. “Jez!” pahabol pang tawag ni Tristann ngunit