Hindi niya alam kung tama ba itong ginagawa niya pero bahala na talaga! Nunkang ipapakita niya sa harap ni Tristann na marami pang bagay siyang hindi talaga nalalaman! "Ahhh!" Napatili siyang bigla nang hawakan ba naman nito ang kanyang mga kamay at walang pasa-pasabing marahang tinulak siya pahiga sa kama. Galit na sisinghalan pa nga sana niya, "Bakit ka ba nanunulak—" Pero para bang nabitin sa ere at sa lalamunan niya ang iba pang mga isisinghal dito nang mabilis na kinubabawan siya nito! He looked at her eyes for a while and then he started claiming her lips. Tinulak-tulak niya ito sa dibdib pero parang walang epekto 'yon dito! This was the first ever time na nahalikan siya sa labi, ng isang lalaki! And she couldn't even be true dahil nga nasabi na niya kay Tristann kanina na may